Lunes, Oktubre 28, 2013

Try lang ng try hanggang sa mapansin ako na Chicser. :)

     Nung una, aaminin ko, hindi ko naman kilala ang Chicser. Lagi kong tanong, ano ba yun? Sino ba members nun? :) FOMO lang kasi ako nun. Takot akong mawala sa uso at mapag-iwanan ng mga friends ko. Pero hindi rin nagtagal....... Nakilala ko na ang chicsers sa net. :) Alam ko ang mga pangalan nila. Hobbies nila. Birthdays, at kung ano ano pang tungkol sa kanila. ;) Ang saya saya ko nun. Sinimulan ko ding gumamit ng twitter at nitong blogger. Mapansin lang nila ako. At habang tumatagal, mas madami akong nalalaman tungkol sa kanila. Kapag nakakakita ako ng picture nila para akong mahihibang na ewan. Kung nasa isang lugar ako, lalo na sa malls, may makita lang akong picture nila napapatigil ako sa paglalakad at tititigan ang picture. :) Super akong naiinspired. At hindi ako titigil o susuko sa paggawa ng kung ano ano, mapansin lang ako ng chicser members. Kahit na ngayon, sila pa din ang nagsisilbing inspirasyon ko, kahit sa net ko lang sila nakilala at sa picture ko lang sila nakikita, malaki yung naitutulong nun sa akin, sa lahat ng activities na ginagawa ko. At lalong lalo na sa PAG-AARAL ko. Top 2 na ako ngayon sa Bagac National High School. Third year student po ako. :) Super ang saya ko, at sa tuwing naalala ko sila during recitation or exams super naiinspired ako mas nagiging determinado masagot lang ang mga questions ng teacher ko. Hehe! :) Masaya maging fan ng Chicsers. Sabihin man nilang adik ako, basta para sakin, OK lang to. MASAYA ako sa ginagawa ko, at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. :) I LOVE YOU ALL CHICSER MEMBERS. :*


1 komento: